2. SEVERINO REYES
Si Severino Reyes ay isinilang sa Santa Cruz, Maynila
noong Pebrero 12, 1861. Ikalima siya sa mga anak ng mag-asawang
Rufino Reyes at Andrea Rivero.
Nagtapos siya ng Bachelor of Philosophy and Letters sa
Unibersidad ng Santo Tomas. Kilala siya bilang Ama ng Sarsuelang
Tagalog. Sa kanyang pagsusulat ng mga kuwentong pambata, ginamit
niya ang sagisag na Lola Basyang.
Ang kanyang sarsuelang pinamagatang Walang Sugat na
nasulat sa unang bahagi ng panahon ng mga Amerikano ang
itinuturing na kanyang obra maestro. Ito ay pumapaksa sa
kapangyarihan ng pag-ibig sa mga taong tunay na nagmamahalan.
Taong 1902 nang simulan niyang magsulat ng dula nang makita
niyang ang Moro-moro at komedyang itinatanghal ay walang buti at
kapakinabangang idinudulot sa mga manunuod. Sinikap ni Don Binoy
(palayaw kay Severino Reyes) na mapaunlad ang dulang Tagalog. .
Naging inspirasyon niya ang kanyang pagsisikap na
patayin ang Moro-moro ang nakitang pagtanggap ng mga manunuod
ng sarsuela sa unang pagtatarighal ng sarsuelangSalamin ng Pagibig ni Roman Reyes; Mga Karaniwang Ugali ni Ambrosio de
Guzman; Damit ni San Dimas ni Roman Dimayuga; Despues de
Dios, El Dinero ni Hermogenes Ilagan.
3. SEVERINO REYES
Dahil sa nakita ni Don Binoy na reaksyon ng mga
manunuod sa pagtatanghal ng mga dulang nabanggit ay itinatag niya
ang Gran Compana de Zarsuela Tagala na siyang inaasahang
magtataguyod sa pagtatanghalang mga sarsuela. Pagkatapos nga ng
pagtatanghal ngWalang Sugat ay sunud-sunod nang itinanghal
ang Bagong Fausto, Ang Kalupi, Ang Tatlong Bituin na sinundan pa ng
iba. Naging dramaturgo ng dulang Tagalog si Severino Reyes dahil sa
pagbabagong bihis na ginawa niya sa dulang Tagalog. Nakuha niyang
palitan ng sarsuela ang Moro-moro na dating kinalokohan ng mga
manunuod.
Ang ilan sa mga sarsuelang sinulat ni Severino Reyes
ay Walang Sugat, Huling Pati, Minda Mora, Mga Bihag ni
Cupido, Mga Pusong Dakila,RIP, Ang Kalupi at iba pa. Ang RIP ay isang
sarsuelang sinulat ni Don Binoy upang tuyain ang Moro-moro sa
pagkamatay nito.
Si Severino Reyes ay nagsimula ng modernong pagsulat ng dula.
Pinaksa ng kanyang mga dula ang suliranin ng mga Pilipino sa
pagdating at pananakop ng mga Amerikano. Si Don Binoy ay naging
patnugot ng lingguhang magasing Liwayway.
4. FRANCISCO BALTAZAR
Dahil sa nakita ni Don Binoy na reaksyon ng mga
manunuod sa pagtatanghal ng mga dulang nabanggit ay itinatag niya
ang Gran Compana de Zarsuela Tagala na siyang inaasahang
magtataguyod sa pagtatanghalang mga sarsuela. Pagkatapos nga ng
pagtatanghal ngWalang Sugat ay sunud-sunod nang itinanghal
ang Bagong Fausto, Ang Kalupi, Ang Tatlong Bituin na sinundan pa ng
iba. Naging dramaturgo ng dulang Tagalog si Severino Reyes dahil sa
pagbabagong bihis na ginawa niya sa dulang Tagalog. Nakuha niyang
palitan ng sarsuela ang Moro-moro na dating kinalokohan ng mga
manunuod.
Ang ilan sa mga sarsuelang sinulat ni Severino Reyes
ay Walang Sugat, Huling Pati, Minda Mora, Mga Bihag ni
Cupido, Mga Pusong Dakila,RIP, Ang Kalupi at iba pa. Ang RIP ay isang
sarsuelang sinulat ni Don Binoy upang tuyain ang Moro-moro sa
pagkamatay nito.
Si Severino Reyes ay nagsimula ng modernong pagsulat ng dula.
Pinaksa ng kanyang mga dula ang suliranin ng mga Pilipino sa
pagdating at pananakop ng mga Amerikano. Si Don Binoy ay naging
patnugot ng lingguhang magasing Liwayway.
5. FRANCISCO BALTAZAR
Isinilang si Francisco Baltazar noong ika 2 ng Abril, 1788
sa nayon ng Panginay
(Balagtas) Bigaa, Bulakan. Ang kanyang mga magulang ay sina Juan
Baltazar at Juana Dela Cruz. Ang pagmamahalan ng dalawang ito ay
nagbunga ng apat na supling, sina Felipe, Concha, Nicolasa, at Kiko.
Nabibilang lamang sa maralitang angkan ang mag – anak na Baltazar.
Ang kanyang ama ay isang panday at ang kanyang ina ay isang
karaniwang maybahay. Si Kiko ay pumasok sa kumbento ng kanilang
kabayanan sa ilalim ng pamamatnubay ng kura – paroko at ditto ay
natutuhan niya ang Caton, misterio, kartilya at Catecismo.
Ang pandayan ng kanyang ama ay ginagawang tagpuan ng mga
kanayon at dito ay naririnig ni Kiko ang mga usapan at pagtatalo
tungkol sa sakit ng lipunang umiiral noon. Malaki ang nagawa nito sa
kanyang murang isipan.
Palibhasa’y may ambisyon sa buhay, inakalang hindi
sapat ang natutuhan sa kanilang bayan kayat umisip ng paraan kung
paano siya makaluluwas ng Maynila upang makapagpatuloy ng pag –
aaral. Ayon sa kanyang ama mayroon silang malayong kamag – anak
na mayaman, na naninirahan sa Tundo at maaari siyang pumasok
dito bilang utusan.
Nagustuhan naman ang paglilingkod ni Kiko sa kanyang
amo kaya pinayagan siyang makapag – aral. Nagpatala siya sa Colegio
de San Jose na noon ay pinamamahalaan ng mga Hesuwitas. Dito’y
natutuhan niya ang Gramatika, Latin at Kastila, Fiska, Geografia at
Doctrina Cristiana. Noong 1812 ay ipinagpatuloy niya ang kanyang
pag – aaral sa Colegio de San Juan de Letran at dito’y natapos niya
ang mga karunungang Teolohiya, Filosofia at Humanidades. Naging
guro niya si Padre Mariano Pilapil, ang may – akda ng Pasyong
Mahal.
6. FRANCISCO BALTAZAR
Naging tanyag si Kiko sa purok ng Tundo, Maynila
sapagkat sumusulat siya ng tula at itinuturing na mahusay na
makata. Sa Gagalangin, Tundo ay nakilala niya ang isang dalagang
nagngangalang Magdalena Ana Ramos at ito’y napagukulan niya ng
paghanga. Noong panahong iyon ay may isang tagaayos ng tula, si
Jose dela Cruz na lalong kilala sa tawag na Huseng Sisiw sapagkat
kung walang dalang sisiw ay hindi niya inaayos at pinag – uukulan ng
pansin ang tulang ipinaaayos ng sinuman. Isang araw ay may dala –
dalang tula si Kiko upang ipaayos kay Huseng Sisiw at sa dahilang
walang dalang sisiw ay hindi ito inayos ni Jose. Umuwi si Kikong
masamang – masama ang loob kayat simula noon ay hindi na siya
humingi ng tulong sa makata ng Tundo.
Noong taong 1853, lumipat siya sa Pandacan at doon
niya nakilala si Maria Asuncion Rivera. Sa kabila ng mga paalaala at
payo ng mga kakilala at kaibigan na magiging mahirap para sa kanya
ang pamimintuho sa dalaga sapagkat magiging karibal niya si
Mariano Kapule, isang mayaman at makapangyarihan sa pook na
iyon, subalit winalang – bahala ang mga paalalang ito, Hindi siya
tumugot hanggang hindi nakadaupang – palad si Maria at hindi nga
nagtagal at naging magkasintahan ang dalawa.
Palibhasa’y mayaman ginamit ni Nano ang taginting ng salapi upang
mapabilanggo si Kiko. Nagtagumpay naman ito. Sa loob ng
bilangguan ay nagdadalamhati si Kiko at lalo itong nalubos ng
mabalitaan niyang ikinasal na ang pinag – uukulan niya ng wagas na
pag – ibig at si Nano. Maraming nagsasabing sa loob ng bilangguan
niya isinulat ang walang kamatayang Florante at Laura at buong puso
niya itong inihandog kay Selya.
7. FRANCISCO BALTAZAR
Pagkalabas niya sa bilangguan noong 1838 ay minabuti
niyang lumipat sa ibang tirahan upang di na magunita ang alaala ni
Selya kaya ang alok na puwesto sa Udyong, Bataan ay buong puso
niyang tinanggap. Muling tumibok ang kanyang puso ng makilala
niya si Juana Tiambeng, isang anak na mayaman na naging kabiyak
niya. Nagkaroon sila ng labing – isang supling, limang lalaki at anim
na babae sa loob ng labing – siyam na taong pagsasama nila. Pito ang
namatay noong mga bata pa at sa apat na nabuhay isa lamang ang
nagmana kay Balagtas.
Dahil sa may mataas na pinag – aralan si Kiko kaya
humawak siya ng mataas na tungkulin sa Bataan – naging
tagapagsalin, tinyente mayor at huwes mayor de Semantera.
Mainam –inam na sana ang buhay ng mag – anak ngunit
nagkaroon na naman ng isang usapan tungkol sa pagkakaputol niya
ng buhok sa isang utusan ng isang mayamang si Alfarez Lucas. Sa
pagkakataong ito, namayani na naman ang lakas ng salapi laban sa
lakas ng katwiran kaya napiit siya sa Bataan at pagkatapos ay inilipat
sa piitan ng Maynila. Nang siyay makalaya, bumalik siya sa Udyong at
dito nagsulat ng awit, komedya at namatnugot sa pagtatanghal ng
dulang Moro – moro na siya niyang ibinuhay sa kanyang pamilya.
Noong ika – 20 ng Pebrero, 1862 si Kiko ay namatay sa Udyong
Bataan sa gulang na 74 na taon.
8. PASCUAL POBLETE
Si Pascual H. Poblete ay kinilalang mandudulang may
maapoy na pagmamahal sa kalayaan ng bayan. Ginamit niya ang
kanyang panulat upang gisingin ang damdaming makabayan ng mga
Pilipino. Siya ay isinilang sa Naic, Cavite noong Mayo 17, 1858. Siya
ay nagtapos ng Bachiller en Artes sa Liceo de Manila.
Dahil sa pagtatanghal ng kanyang dulang Amor Patria,
siya at ang mayari ng tanghalang ginamit sa pagtatanghal ay
nabilanggo, bagamat sila ay nakalaya rin. Siya ang nagtatag at naging
patnugot ng pahayagang El Resumen. Ginamit niya ito upang
tuligsain ang mga katiwalian at pang-aaping ginagawa ng mga
makapangyarihang kastila na siyang naging dahilan upang siya ay
mausig at ipatapon sa Africa.
Isa siya sa mga nagsalin sa Tagalog ng Noli Me
Tangere ni Rizal. Siya rin ang nagtatag ng mga pahayagang El Grito
del Pueblo (Ang Tinig ng Bayan), noong panahon ng mga Americano.
Si Poblete rin ang sumulat ng dulang Pag-ibig sa
Tinubuang Lupa na naging dahilan din ng kanyang pagkakakulong.
Taong 1879 nang maging katulong siyang mamamahayag sa
pahayagang La Oceana Espanola. Naging kolumnista siya ng Diariong
Tagalog ni Marcelo H. del Pilar na pinamatnugutan din niya nang si
Del Pilar ay umalis patungong Espanya. Kasama din siya ni Del Pilar
sa pahayagang Revista Popular na naglathala ng mga artikulong ibaiba ang paksa na naglayong imulat ang isipan ng mga Pilipino.
Ang itinuring na Ama ng Pahayagan ay bawian ng buhay sa
taong 1921 sa gulang na 63.
9. JOSE RIZAL
Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng
Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861.
Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng.
Teodora Alonzo.
Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang
nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang
pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa
Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas
na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral
sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid
hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong
1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika
kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang
masteral sa Paris at Heidelberg.
Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El
Filibusterismo.” naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa
mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.
Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal.
Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang
layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod
ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.
10. MARCELO H. DEL PILAR
Isinilang si del Pilar sa isang nayon sa Kupang, San
Nicholas, Bulacan noong Agosto 30, 1850. Siya ang bunso sa
sampung magkakapatid ng mayamang pamilya nina Don Julian del
Pilar, isang gobernadorcillo at Doña Blasa Gatmaytan. Hilario ang
dating apelyido ng pamilya niya. Ang apelyido ng pamilya nila'y isinaKastila bilang pagsunod sa kautusan ng Gobernador-heneral Narciso
Claveria noong 1849. Ang kanyang kapatid na si Padre Toribio H. del
Pilar ay isang pari na ipinatapon ng mga Kastila sa Guam noong 1872.
Si del Pilar ay nagsimulang mag-aral sa kolehiyong
paaralan ni Ginoong Jose A. Flores at lumipat sa Colegio de San Juan
de Letran at muling lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas kung
saan huminto siya ng walong taon sa pag-aaral pero natapos din sa
kursong abogasya noong 1880. Noong Hulyo 1, 1882, itinatag niya
ang Diariong Tagalog (ayon kay Wenceslao Retana, isang Kastilang
manunulat, ang unang labas ay inilathala noong Hunyo 1, 1882) kung
saan binatikos niya ang pang-aabuso ng mga prayle at kalupitan ng
pamahalaan. Humingi siya ng mga kaukulang pagbabago. Ilan pa sa
kanyang mga isinulat ay ang mga sumusunod: Dudas, Caiingat
Cayo, Kadakilaan ng Diyos, Dasalan at Toksohan, Sagot ng Espanya sa
Hibik ng Pilipinas, Pasyong Dapat Ipag-alab nang Puso ng Taong
Babasa, La Soberania Monacal en Filipinas, at La Frailocracia
Filipina.nakipag tulungan si marcelo sa kaniyang mga kakampi upang
mapatalsik nila ang mga kalaban.
Noong 1888, sumulat siya ng manipesto na naglalayong
patalsikin ang mga prayle sa Pilipinas, na nilagdaan ng 810 katao sa
isang pambayang demonstrasyon at iniharap sa Gobernador ng
Maynila. Ipinagtanggol din niya ang mga sinulat ni José Rizal kagaya
ng Noli Me Tangere laban sa mga prayleng sumasalakay rito. Nang
pinag-uusig siya ng mga Kastila at noong 1888, tumakas siya patungo
ng Espanya sanhi ng kanyang panawagang pagpapatapon sa
Dominikanong Arsobispo Pedro P. Payo.
11. MARCELO H. DEL PILAR
Pagdating sa Espanya, pinanguluhan niya ang
pangkat pampulitika ng La Asociacion Hispano-Filipino (Ang
Samahang Kastila-Pilipino) noong Enero 12, 1889, isang
samahang pambayan na binubuo ng mga Pilipinong
propagandista at mga kaibigang Kastila sa Madrid upang
manawagan sa pagkakaroon ng pagbabago sa Pilipinas.
Pagkatapos, pinalitan niya si Graciano Lopez Jaena bilang
editor ng La Solidaridad noong Disyembre 15, 1889, isang
pahayagang pampulitika na inilathala minsan tuwing
ikalawang linggo na siyang nagsilbi bilang tinig ng Kilusang
Propaganda. Naglathala din siya ng mga liberal at
progresibong artikulo at sanaysay na nagbunyag sa
kalagayan ng Pilipinas.
Labis na naghirap si del Pilar sa pagpapalimbag
ng La Solidaridad. May panahong hindi kumakain at may
panahong hindi natutulog ang manunulat. Upang
makalimutan ang gutom, may panahong namumulot siya ng
mga nahithit na sigarilyo sa mga daan. Ang pondo para sa
pag-papalimbag ng pahayagan ay paubos na. Malaking
suliranin sa kanya ang walang tulong pinansyal na
dumarating mula sa Pilipinas. Ito ang dahilan kung bakit
huminto ang paglalathala ng pahayagan noong Nobyembre
15, 1895 sanhi ng kakulangan sa pondo. Kahit gaano ang
hirap na dinadanas niya, nagpatuloy pa rin siya sa pagsusulat
para sa ikalalaya ng Pilipinas. Namatay siya sa sakit na
tuberkulosis sa isang maliit na ospital sa Barcelona, Espanya
noong Hulyo 4, 1896 sa gulang na 46.
12. LOPE K. SANTOS
Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal bilang Lope C. Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos at
Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngunit
mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit
ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan, upang
maipakita ang pagiging makabayan. Nakamit niya ang
pagkakaroon ng kadalubhasaan sa sining mula sa Colegio
Filipino (Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral
sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na
Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa Escuela de
Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa
larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula na
maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900,
nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga
lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling
Pagsilang atSampaguita. Siya ang tagapagtatag ng
babasahing Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L.
Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian
ng wikang pambansa. Kabilang sa mga katawagang
nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng
Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang
Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw
na Mang Openg.
13. DEOGRACIAS ROSARIO
Si Deogracias A. Rosario ay isinilang sa Tondo, Maynila
noong Oktubre 17, 1894. Nagsimulang magsulat noong 1915 sa Ang
Demokrasya. Taong 1917 naman ng magsimula siyang sumulat sa
Taliba.
Naging Pangulo siya ng Samahang Ilaw at Panitik,
Kalipunan ng mga Kuwentista at Kalipunan ng mga Dalubhasa ng
Akademya ng Wikang Tagalog. Siya ang kinilalang Ama ng Maikling
Kuwentong Tagalog. Ayon sa mga kritiko, siya ang nagbigay ng tiyak
na anyo sa maikling katha bilang isang uri ng kathang pampanitikan.
Nakita sa kanyang mga akda ang palatandaan ng paghihimagsik sa
kinamulatang tradisyon ng maikling kuwento.
Sa ginawang pagsusuri ni Dr. Genoveva Edroza Matute,
guro at kwentista sa mga akda ni Deogracias A. Rosario ay ganito ang
kanyang sinabi:
"Kadalasang ginagamit niya (Deogracias A. Rosario)
bilang pangunahing tauhan ang mga alagad ng sining, bohemyo at
kabilang sa mataas na lipunan; maliban sa ilan, iniiwasan niyang
gumamit ng mga tauhang galing sa masa; at paulit-ulit na lumilitaw
sa kanyang mga akda ang mga tauhang galing sa ibang bansa, ngunit
sa pagbabalik sa tinubuang lupa ay nagiging makawika at
makabayan".
Ang ilan sa kanyang mga akda ay Ako'y Mayroong Isang
Ibon, Ang Dalagang Matanda, Manika ni Tadeo, Aloha, Bulaklak ng
Bagong Panahon at iba pa. Ang pinaka-obra maestra ni Rosario ay
ang Aloha na kasama sa katipunang 50 Kwentong Ginto ng 50
Batikang Kwentista.
Binawian ng buhay si Deogracias A. Rosario sa gulang na
42 noong Nobyembre 26, 1936.
14. EPIFANO DELOS SANTOS
Si Epifanio de los Santos ay isang manananggol,
mamamahayag, mananalaysay (historian), musikero, pintor, kritiko,
manunulat, pilosopo ("philosopher") at masugid na kolektor ng
mga antique.
Isinilang siya sa bayan ng Malabon noong Abril 7, 1871.
Kaisa-isang anak ng mayamang hasyendero na si Escolastico de los
Santos at Antonina Cristobal, isang kolehiyala na mahusay tumugtog
ng piyano at alpa. Pagkatapos tapusin ang kanyang mga unang taon
ng pagaaral sa ilalim ng isang pribadong guro na si Jose A. Flores,
nagpatuloy siya ng pag-aaral sa Ateneo de Manila. Maliban sa mga
araling akademiko sa Ateneo, ay nag-aral din siya ng musika at
pagpipinta na nanguna sa mga gantimpala. Tinapos niya sa Ateneo
ang Bachiller en Artes ng may pinakamataas na parangal na summa
cum laude at pagkatapos ay kumuha ng Law sa Unibersidad ng Santo
Tomas. Nanguna siya sa pagsusulit ng Ktt. Hukuman.
Masugid siyang mambabasa ng iba't ibang babasahing
pampanitikan lalung-lalo na ng mga nobelang sinulat ni Juan Valera,
isang manunulat na Kastila at may-akda ng isang nobela ng pag-ibig
na kanyang kinalugdan, ang Pepita Jimenez. Dahil sa mahilig siyang
magbasa, nagkaroon siya ng malaking koleksiyon ng mga aklat sa
Sining at Panitikan. Sa katunayan, ang unang palapag ng kanyang
tirahan sa Magallanes, Intramuros ay nagmistulang laybrari at museo
na naging tagpuan ng kanyang mga kaibigan na may hilig din sa
Sining at pagsusulat tulad nina Cecilio Apostol,Fernando Ma.
Guerrero, Rafael Palma, Jaime de Veyra at Clemente Zulueta. Isa rin
siyang dalubwika natutuhan niya ang mga wikang dayuhan tulad ng
Latin, Griyego, Kastila at Pranses. Siya ang naging unang Pilipinong
naging kasapi ng Spanish Royal Academia sa Madrid at nakilalang
unang Academician ng bansa.
15. EPIFANO DELOS SANTOS
Itinatag ni Don Panyong (tawag sa kanya) at ng kanyang
kaibigang si Clemente Zulueta ang pahayagang La Libertad sa
Malabon. Naging editor din siya ng unang rebolusyonarong
pahayagang La Independencia. Sa pagsusulat sa pahayagang ito ay
ginamit niya ang sagisag na G. Solon.
Naging District Attorney siya ng San Isidro, Nueva
Ecija at doon din siya naging Kalihim Panlalawigan.
Noong 1902 nahalal siyang Gobernador ng Nueva Ecija at naulit
ng 1904 . Pagkatapos ng dalawang taon ay hinirang siyang miyembro
ng Philippine Commission para sa St. Louis Exposition. Naglakbay siya
sa iba't ibang bansa tulad ng Pransya, Inglatera, Espanya, Italya at iba
pang mga bansa sa Europa upang bumisita sa mga aklatan at museo
at mamili ng mga aklat para sa kanyang koleksyon sa sariling aklatan.
Noong 1906, nahirang siyang piscal ng dalawang lalawigan - Bulakan
at at Bataan. Noong 1918, hinirang siya ni Gobernador
Heneral Francis Burton Harrison na Technical Director ng Philippine
Census. At noong Mayo 16, 1925 itinalaga siya ni Gobernador
Heneral Leonard Wood bilang Direktor ng Kawanihan ng Biblioteka at
Museo bilang kapalit ni Dr. Trinidad Parde de Tavera na binawian ng
buhay.
Noong 1906, nahirang siyang piscal ng dalawang
lalawigan - Bulakan at at Bataan. Noong 1918, hinirang siya ni
Gobernador Heneral Francis Burton Harrison na Technical Director ng
Philippine Census. At noong Mayo 16, 1925 itinalaga siya ni
Gobernador Heneral Leonard Wood bilang Direktor ng Kawanihan ng
Biblioteka at Museo bilang kapalit ni Dr. Trinidad Parde de Tavera na
binawian ng buhay.
16. EPIFANO DELOS SANTOS
Dalawang beses nag-asawa si Don Panyong. Ang kanyang unang asawa ay
si Donya Ursula Paez ng Malabon at ang pangalawa ay si Margarita
Toralba ng Malolos. Ang isa niyang anak sa kanyang unang asawa ang
nagmana sa kanya ng mahilig sa kasaysayan at pananaliksik. Nakilala siya
bilang mahusay na manunulat ng kasaysayan, talambuhay at kolektor
tulad ni Don Panyong.
Kung si Don Panyong ay di nakilalang tagapagsalita (speaker) siya naman
ay nakakitaan ng kagalingan sa panunulat na umani pa ng papuri sa ibang
bansa. Ang unang nalathalang sinulat ni Don Panyong ay ang Algo de
Prosa (1909) isang koleksiyonng mga sanaysay at maikling kuwento. Ilan
pa sa kanyang mga sinulat ay Literatura Tagala (1911), El Teatro
Tagalo (1911), Nuestra Literatura (1913), El Proceso del Dr. Jose
Rizal (1914), at Folklore Musical de Filipinas (1920).
Sinulat din niya ang mga talambuhay nina Dr. Trinidad Pardo de
Tavera, Marcelo H. del Pilar, Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, at Ignacio
Villamor. Ang kanyang salin sa Kastila mula sa Tagalog ng Florante at
Laura ni Balagtas ay itinuring na isang klasiko sa panitikang Pilipino. Isa
ring mahusay na musikero si Don Panyong. Mahusay siyang tumugtog ng
piyano at gitara. Sa kanyang panahon ay tatlo lamang ang kinikilalang
mahusay sa pagtugtog ng gitara sa buong Pilipinas -isa si Don Panyong at
ang dalawa niyang kasama ay si Hen. Fernando Canon, isang
rebolusyonaryo, at si Guillermo Tolentino, kilalang iskultor. Inihambing
siya ng musikong editor na si Griffith kay Segovia ng Espanya sa
natatanging talento niya sa paggitara.
Mahusay din siya sa pagpipinta, lamang ay hindi niya ito nabigyan ng
panahon upang ang kanyang kakayahan ay lalo pang pagyamanin at
paunlarin.Binawian ng buhay si Don Panyong noong Abril 28, 1928 sa
Maynila sa eded na 57 dahil sa atake sa utak (cerebral attack). Bilang
paggalang sa kanyang kontribusyon sa sining at kultura, ang Highway 54
na nagdudugtog sa Lungsod ng Caloocan hanggang Lungsod ng Pasay ay
ipinangalang Abenida Epifanio de los Santos o kilala bilang EDSA.
17. FERNANDO GUERRERO
Si Fernando María Guerrero (1873-1929) ay isa sa
pinakamagiting na mga Pilipinong
makata, tagapamahayag, politiko, abogado, poliglota at guro sa
ginintuang panahon ng panitikang Kastila sa Pilipinas, isang
panahong mula 1890 magpahanggang sa pagsabog ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
Nagsulat si Guerro noong mga taon ng 1898
hanggang 1900. Bilang abogado at guro, nagturo siya ng abogasya
(natural law), kriminolohiya at oratoryong forensik (forensic oratory).
Nagsilbi siya bilang tagapamahala (chairman) ng lupon ng mga
tagapagsubok (board of examiners) sa paaralan ng abogasyang La
Jurisprudencia. Naging konsehal siya ng Maynila, Sekretaryo ng
Senado at Sekretaryo ng Komisyon sa Kalayaan ng Pilipinas. Naging
direktor din siya ng Academia de Leyes (Akademya ng mga Batas).
Bukod sa wikang Kastila, nakapagsasalita rin si Guerrero ng Latin
at Griyego. Minsan siyang naging editor ng El Renacimiento, La
Vanguardia at La Opinion (Ang Opinyon). Naging miyembro siya ng
Unang Asemblea ng Pilipinas, ng Academia Filipina at napili para
Lupon ng Munisipyo ng Maynila (Municipal Board of Manila). Naging
tagapagbalita rin siya para samahang Real Española de Madrid. Ang
kaniyang mga aklat ng mga tula sa wikang Kastila, na
pinamagatang Crisalidas, ay nailathala noong 1914, na ibinibilang
ng Enciclopedia Filipinas sa isa sa sampung pinakamahuhusay na
aklat na nasusulat hinggil sa Pilipinas. Ang iba niyang mga tula na
isinulat matapos ang 1914 ay lumabas sa isang kompilasyong
pinamagatang Aves y Flores (Mga Ibon at Mga Bulaklak). Namatay si
Guerrero noong Hunyo 12, 1929, kasabay ng anibersayo ng
Republika ng Pilipinas nang taong yaon. Bilang parangal, ipinangalan
kay Guerrero ang isang paaralan sa Malate, Maynila.