Sunday, October 2, 2011

Maikling Kuwento

1. Buhay Estudyante ni Pedro at ang Kanyang Pangarap
Si Pedro ay pitong taong gulang. Siya ay punong puno ng mga pangarap ngunit sila ay mahirap lamang. Ang kanyang ina ya mananahi at ang kanyang ama ay may kapansanan. May mga pagakakataon na siya ay di makapasok sa paaralan dahil walang pera at walang pamasahe. Madalas umiiyak si Pedro sa tabing ilog, at iniisip kung papaano ang kanyang gagawin upang makatapos ng pag-aaral. Naisip ni Pedro "Aha, pupunta ako ng bayan, maghahanap ako ng trabaho." ng pumunta ng bayan sio Pedro, siya ay nakahanap ng trabaho bilang isang tindero sa palengke. Araw-araw siyang gumigising ng maaga at bago mag alas siyete ng umaga ay naghahanda na upang pumasok sa paaralan at sa uwian naman ay balik trabaho siya. Pagdating niya sa bahay, "Inay may uwi akong ulam at gamot para kay Itay." Laking tuwa ng kanyang Ina sa mga naitutulong ng kanyang anak. Ganito na ang naging buhay ni Pedro hanggang siya ay lumaki. Nakatapos ng pag-aaral si Pedro. Siya ay kasalukuyang manager ng isang malaking kumpanya. Naging inspirasyon si Pedro sa mga kabataan ngayon. Maraming tao na humahanga sa kanya. Nakapagpatayo ng bahay si Pedro, naipagamot niya ang kanyang Itay at nabigyan ng pinansiyal na tulong ang kanyang ina.






2. Ang Pag-ibig ni Rosa
Ang panahon ng kabataan ang pinaka masarap sa parte ng buhay ng isang tao. Dito mo mararanasan ang ang maraming bagay tulad ng pakikisalamuha sa iba't-ibang tao. Panahon na mas makikilala mo iying sarili. Ang pagbibinata at pagdadalaga, at kung anu-anong mga bagay na ibig mong masubukan tulad ng pag-inom, ang pag-attend sa JS Prom at pag-uwi ng dis oras ng gab kasama ang iyong barkada. Si Rosa ay kasalukuyang nag-aaral bilang isang "4th year highschool", maganda si Rosa at iniidolo ng maramingn kalalakihan. Kaklase niya si Adrian mula sila ay nasa unang baitang pa lamang. Masyadong malapit si Rosa kay Adrian. Sila ay matalik na kaibigan. Kilala na nila ang ugali ng bawat isa. Tampulan ng tuksuhan ng mga kaklase nila sila parehas. Sa mga taong dumaan, nararamdaman ni Rosa na may iba na siynag pakiramdam kay adrian. Di pa niya lubusang naiintindihan ang khulugan ng pag-ibig. Si Adrian ay matipuno at makisig, marami ang nagkakagusto sa kanyang mga kababaihan. At sa mga taon pang lumipas mas lalong lumalim ang pag-ibig ni Rosa kay Adrian. Di niya alam ang kung paano ito ipagtatapat kay Adrian. Isang gabi nagkayayaaan ang barkada, nalasing si Rosa. Inihatid siya ni Adrian sa bahay nila. Dahil sa kalasingan at sa bigat ng nararamdaman niya kay Adrian, di niya napigilang ipagtapat kay Adrain ang kanyang nararamdaman. "Adrain, Mahal kita bakit ang Manghid mo?" wika ni Rosa. Di alam ni Adrian ang ang magiging reaksiyon nito. Kinaumagaha pagapasok sa paaralan nagkakailangan ang dalawa. Ngunit sa mga araw na dumating nagkamabutihan din ang dalawa at naging magkasintahan. Mas lalong sumaya ang buhay pag-ibig ni Rosa.






3. Ang kahalagan ng Pag-aaral
     Sa Barrio ng San Carlos, kilala nag pamilya Santilyan bilang angkan ng mga mayayaman. Kilala ang kanilang pamilya dahil sa kanilang mga negosyo. Si Romeo Santilyan ang haligi ng tahanan, Si Hulyeta ang Santilyan ang ang kanyang kabiyak. Mayroon na silang nag-iisang anak na si Markus. Sa kanilang kasikatan sa larangan ng pagnenegosyo sa pagpapatakbo ng resturan, paupahan, tahian ng damit. Laging naiimbithan sa mga pagtitipon. Sikat rin ang kanilang pamilya sa pagtulong sa mga nangangailangan. Sabi ni Markus, sa kanyang mga kaibigan, "Maski di na ako mag-aral tiyak na maabot ko ang aking mga pangarap." laking pagyayabang ni Markus. "Marami akong mamanahin mula saa aking mga magulang." Dahil lumaking mayaman si Markus, lahat ng gusto niya ayu nasusunod, mula sa pagbili ng mamahaling damit, sapatos, cellphone, at marami pang iba. Di niya natutunan ang mag-ipon ng pera, l;agi lang siyang gastos ng gastos ng pera at tanbay sa paaralan.
     Nagkasakit ang kanyang ama ng "Cancer". Unti-unting naubos ang kanilang pera. Humina ang kanilang negosyo. Nagsra ang mga ito at ang perang naipon nila sa bangko ang kanilang ginamit. Hanggang sa mamatyay ang kaniyang ama. Angf knayang Ina naman ay matanda na upang magtrabaho. Noong mga panahon na iyon si Markus ay 1st year college pa lamang at puro pagbabarkada ang inaatupag. Ang kanyang Ina ay dinala na sa "Home for the Aged". Unit-unti an siyang nawalan ng kaibigan si Markus. Dahil di natapos ni Markus ang kaniyang pag-aaral, naiisip ni Markus na sana ay natutunan niya ang pag-iimpok ng pera nung sila ay mayaman pa, at ang pagpapahalaga sa pag-aaral upang malayo ang marating s buhay.






4. Ang Pag-aaral ni Pepe
Paka-ugaliing Sumunod sa Payo't Pangaral ng mga Nakatatanda
MAAGANG PUMASOK sa paaralan si Pepe, gaya ng iba pang araw, dahil sa kanya ipinagkatiwala ni Mrs. Selva, ang kanyang guro, ang susi sa silid-aralan. Ang kanyang paaralang pinapasukan ay isa mga napakaraming pobreng paaralan sa bansa. Iilan lamang ang silid-aralan, at ang bawat isa ay pinagkakasya ang mahigit na limampung mga mag-aaral. Si Pepe, dahil nanggaling sa Maynila at lubos na mas matalino sa kanyang mga kamag-aral, ang tinuturing ni Mrs. Selva na kanyang kanang-kamay.

Pagpasok ni Pepe sa silid aralan ay naglilinis muna siya, dahil nga sa nauuna siya sa kanyang mga kamag-aral sa pagpasok. Walang istorbo, at lagi niyang ikinagagalak ang makita ang araw na sumisikat sa silangan at ang liwanag nito’y tumatagos sa mga gula-gulanit na’t inaalikabok na bintana.

Bago mag-ikatatlumpong minuto makalipas ang ala-sais ay halos lahat ng kanyang mga kamag-aral ay nagsidatingan na. Si Pepe, dahil sa kanang-kamay nga siya ni Mrs. Selva, ay siya ring nagpapabasa sa kanyang mga slightly engot na mga kamag-aral ng mga sulating bukabularyo’t mga kwentong pambata na sinulat ni Mrs. Selva sa manila paper. Slightly engot lang naman, kasi nasa grade 2 na e hindi pa marurunong magbasa nang tama. Pampublikong paaralan kasi e, salat sa pondo ng gobyerno at salat din sa mga magagaling na guro.

Medyo dumadalas-dalas na ang pag-petiks ni Mrs. Selva dahil medyo tumatanda na siya. Mahigit dalawampung taon na siyang nagtutro sa paaralan, at di mabilang nang mga kaluluwa ang naglabas-pasok sa kanyang silid aralan. Ilan sa kanila ay mga naging guro na ring tulad niya, abugado, doktor, drayber ng dyip, pokpok, o manininda ng mga piniratang DVD sa palengke.

Halos araw-araw ay ganito ang drama sa buhay-paaralan ni Pepe. Pero okey lang sa kanya iyon, dahil isang taon lang naman siya mamamalagi sa paaralang yaon. Sa susunod na taon e sa isang pampribadong paaralan na siya magpapatuloy ng pag-aaral. Nagin maayos ang pag-aaral ni Pedro at napagtagumpyan ang kanyang mga pangarap.






5. Si Prinsipe Apyan
Noong unang panahon sa malayong Kaharian ng Artur, isinilang ang isang prinsipe na si Prinsipe Apyan, na anak ni Haring Arturo at Reyna Elizalde. Bata pa lamang siya ay malaki na ang tiawal ng kanilang bayan sa prinsipe. Siya ang susnod na hari kapag pumanaw na anag kanyang Ama. Maganda ang pagpapalaki ng kanyang magulang sa kanya. Laht ng gustuhin nito ay nasusunod. Masaya man ang buhay ng prinsipe sa kaharian dahil kumpleto sa damit, pagkain at sa lahat ng bagay mayroong mga bagay na gusto niya pang gawin. Gusto niyang lumabas sa Kastilypo upang mas makikilala pa niya ang kanyang bayan na kanyang pagahahrian balang araw.  Isang araw tumakas ang prinsipe, nagpunta siya sa gubat at nakilala niya si Martha. siya ay nangangahoy sa kagubatan. nakasaluboing ng prinsipe si Martha at agad itong humnga sa kagandahan ng dalaga. Agad itong tumulong sa dalaga sa pangangahoy. Simula noon nasanay na ang prinsipe sa pagtakas sa kanilang kastilyo at katagpuin ang dalaga. Umibig ang dalaga kay Prinsipe Apyan, at ng mas lumalim pa ang kanilang pagmamahalan ay ipinagtapat na ng Prinsipe ang tunay nitong katayuan sa buhay. Natakot ang dalaga at sinabing mahirap lamang siya at dila bagay sa isa't-isa. Ngunit pinaglaban ng Prinsipe si Martha. Sila ay ikinasal at namuhay ng masaya.

Mga Alamat

1. Alamat ng mouse
Noong unang panahon, sa paaralan nagkalat ang mga daga.takbuhan ng takbuhan at laro ng laro. Nangunguna sa grup ng mga daga si Dodong Daga. Madalas silang gumala sa Mababang Paaralan ng Bulkan-Bulkan. Mataas ang pangarap ni Dodong Daga, sa tuwing dapit hapon at pagabi na, madalas siyang pumupunta sa silid aklatan, upang subukang magbasa, ngunit siya ay inaalipusta ng kanyang kaibigang si Domeng Daga. "Tayo ay daga lamang, di mo kayng gawin ang mga kayang gawin ng isang normal na tao!", wika ni Domeng Daga. Dahil dito, may nagpursige si Dodong Daga na anutin ang kanyang pangarap. Mas Hinabaan niya ang oras sa silid aklatan. Ngunit sa tagal ng kanyang pag-aaral sa silid aklatan, di niya natutunan ang ang pagbabasa, puro larawan ang kanyang nakikita. Dahil dito nanghina ang loob ni Dodong Daga, niyaya siya ni Domeng Daga na manira na lamang ng mga libro, kumain ng libro, at manira ng mga gamit at kung anu-anong mga bagay. Ngunit noong isang gabi sa di sinasadyang pagkakataon, ang kanilang kinain ay ang wire ng kuryente, dahil dito si Dodong Daga at Domeng Daga ay nasabugan at sila ay naging mouse na ngayon ay madalas gamitin sa mga paaralan, bahay at sa modernong panahon ngayon.






2.Alamat ng Keyboard
Noong unang panahon sa mga mundo ng letra at numero, naghahari ang grupo ng mga numero. Sila ang nagpapatupad ng mga batas, namumuno upang mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Sabi ng grupo ng mga letra. "dapat tayo naman ang mamuno sa ating bayan!, upang magkaroon ng pagbabago at mas mapa-unlad natin ang ating bayan! Lagi na lang tayong alipin dito!" Dahil dito, naglunsad ng pag-aaklas ang grupo ng mga Letra lban sa pmumuno ng mga numero." Nagkaroon ng digmaan at nagkasira-sira ang pamumuhay nila. Dahil sa ginawang ito ng mga grupo ng Letra nagalit ang Inang Diwata, maayos naman daw ang pamumuhay nila noon hanggang sa magkaroon ng di pagkakaunawaan. Pilit na pinag-aayos ng Inang Diwata ang dalawang grupo, ngunit ayaw pa rin nilang mag-ayos. Sa galit ng mga Inang Diwata, Sinumpa niya ang mga numero at letra na maging keyboard. Pinadala ng Inang Diwata ang Keyboard sa ibang dimensiyon. Sa makabagong panahon at henerasyon ngayon ang keyboard ay ginagamit sa mga paaralan, establisyamento at marami pang iba.






3.Alamat ng Speaker
Noong unang panahon sa malayong barrio ng Sta. Barbara mayroong bagong mag-irog na bagong kasal pa lamang. Sila ay sila Mario at Maria. Matagal ang kanilang pinagsamahan bago sila tuluyang ikasal. Bagama't matagal na silang magkasintahan mayroon pa rin silang mga bagay na di pinagkakaunawaan. Sa unang araw ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa maagang nagising si Maria upang maghanda ng agahan para sa kanyang asawa. Alas diyes ng ng umaga ay tulog pa rin si Mario, at dahil sa inis ni Maria kay Mario ito ay napasigaw "Mario tanghali na! nakahilata ka pa diyan, baka gusto mo ng magtrabaho sa bukid upang may makain tayo sa araw-araw. Agad tumayo si Mario at hindi na kumain ng almusal. Agad itong tumungo sa bukid upang magtrabaho na. Napagabi ang uwi ni Mario, dahil siya ay bago a bukid niyaya siya ng mga kasamahan sa trabao na uminom. Lasing na ng umuwi si mario sa kanilang bahay. Agad naman ang putak ni Maria. "Ano gabi ka na umuwi? Saan ka galing? anina pa kita iniintay. Baguhin mo ang ugali mo, ayaw ko ng ganyan!" Kinabukasan tanghali na naman nagising si Mario, malakas na anaman ang bunganga ni Maria sa kanyang asawa. Naging ganito ang buhay ng mag-asawa sa araw-araw sa loob ng anim na buwan. Sa tabi ng kanilang bahay kubo nila Mario at Maria ay may nuno sa punso. Lingid sa kaalaman ng mag-asawa galit na ang pinuno ng mga duwende sa kanilang mag-asawa dahil sa kaingayan ni Maria sa tuwing pinagagalitan niya si Mario. Isang araw nagwawalis sa labas ng bahay si Maria, minabuti ng pinuno ng mga duwende na na magpakita kay Maria "Simula ng dumating ka sa lupain namin, ginulo ninyo ang buhay namin. Sobrang ingay mo Maria! Nakakabulahaw ang iyong kaingayan dahil dito sinumpa ka namin ng aking mga grupo namin!" Ipapadala ka namin sa makabagong panahon, kung saan magagamit mo ang iyong kaingayan." At dahil dito mayroon tayong speaker ngayon.






4. Alamat ng Motherboard
Sa mataas na paaralan ng San Jose, kilala bilang matalino na estudyante si Kaloy. Siya ay hinahangaan ng kanyang mga kaklase dahil sa angkin niyang katalinuhan. Siya ay laging nangunguna sa sa mga pagsusulit. Lagi niyang alam ang lahat, kulang na nga lamang ay siya ang magturo sa kaklase. Bagama't matalino si Kaloy, mayroon siyang ugaling hindi nagugustuhan ng kanyang mga kaklase. Ito ay ang kanyuang kayabangan. Mapagmataas siya, gusto niya siya lagi ang nangunguna at "da best among the rest". Minsan nagtanong ang kanyang kaklase, agad niya itong tinuruan. Ngunit nagsambit na "ang dali-dali niyan di mo maintindihan?" Nagsumbong ang kaklase niyang si Jose sa kanyang Lola. Mangkukulam ang Lola ni Jose. Pinakulam ni Jose sa knayang Lola si Kaloy. Sabi ng kanyang Lola "Apo, humanda ang Kaloy na yan! Dahil masyado siyang matalino, hgindi siya nararapat sa mundong ito. Gagawin ko siyang isang bagay na kapaki-pakinabang sa mga paaralan at eskuwelahan. Gagawin at tatawagin natin siyang "motherboard" dahil dito ang motherboard ay naimbento at takaga nga namang makapangyarihan at maasahan sa panahon ng makabagong henersyon ngayon.






5.Alamat ng Webcam
Si Dr. Ronel ay isang scientist, maghilig siyang mag-imbento ng kung anu-anong mga bagay. Dahil sa angking katalinuhan at kagalingan sa larangan ng "siyensiya". Siya ay kilalang nag-iimbento ng maraming bagay. Isang gabi habang siya ay gumagamit ng computer, naisip niya kung paano ipapasol ba ipapasok ang camera sa computer?" Sa loob ng sampung taon ng pagsasalikisik, di pa rin alam ni Dr. Ronel kung anu ang kanyang gagwin. Pagod na siya sa pagsasaliksik at siya ay matanda na rin. Dahil dito isnag diwata ang ang gustong tumulong sa kanya. Tutulungan kitang matupad ang iyong mithiin, ngunit buhay mo ang kapalit?" Agad pumayag si Dr. Ronel. At ngayon merong tayong webcam na ginagamit ngayon na ginagamit sa maraming paraaan.

Sanaysay Tungkol sa Ginawa Nong Nakaraang CICT Week

Ang aming College of Information and Communication Tecnlogy ay nagdiwang ng aming week noong ika-24 hanggang ika-27 ng gosto. Noon unang araw ay ako ay nanoond ng cosplay. Nakakatuwa ang paggaya ng mga estudyante sa iba't ibang karakter ng anime. Dala ko rin ang camera ko ng araw na iyon at kami ay kuhanan ng kuhanan ng letrato. Noong ikalawang araw ako ay nanuod ng lara ng Basketbolng aking mga kamag-aral. Bagam't sila ay talo, naniniwala ako na sila ay nasiyahan sa paglalaro. Nong mga sumunod na araw kami ay nanuod pa rin ng laro  ng aking mga kamg-aral. Masaya ang CICT Week 2011.

Tula

PAGLISAN
Sa aking paglisan,
Dala-dala ko ang ala-ala ng kahapon.
Masakit man ang mga pangyayari,
alam kong ito ay pagsubok lamang.
Malungkot man ang buhay minsan,
ito ay mga pangyayari lamang.

Sa aking paglisan,
masaya ako na ikaw aking nakilala.
Ikaw ay magiging parte ng aking alaala,
na dadalhin ko sa aking paganda.
Ngunit kung ikaw ay babalik,
wag mo sana akong lisanin.






UMAGANG KAY GANDA
Tik tilaok sabi ng manok,
Pot-pot busina ng tindero ng pandesal,
Ting-ting sabi ng alarm clock.
Muta sa ating mga mata,
Panis na laway sa ating bibig.
Anak gising na! Sabi ni Nanay.
Oh! Umaga na pala,
Panibagong simula,
ng ating buhay na pagkaganda.






ESTUDYANTE
Aral doon, aral dito.
Basa doon, basa dito.
Kopya doon, kopya dito.
Mga mata'y ikot ng ikot.

Bagyo dito, bagyo don.
Walang pasok, walang pasok.
Ngiti doon, ngiti dito
kasi walang pasok.

Estudyante noon, estudyante pa rin ngayon.
Istayl mo ay baguhin,
ng maabot mo ang iyong mithiin.
Haay buhay estudyante.






LUHA
Aking puso'y lumuluha,
ng dahil sa iyong alaala.
Ako'y iyong sinaktan,
Ako pa ay iyong kinalumutan.
Bawat patak ng aking luha,
ay dahil sa iyong ginawa.
Balang araw ito ay lilipas rin.
Dahil ito'y aking tatanggapin.






BUHAY
Masayang mabuhay sa mundong ibabaw,
Puno ng saya ang bawat araw.
Ating pamilya at kaibigan ating sandalan,
Sa bawat lungkot at sayang dmaraan.

Salamat sa'yo aking pamilya,
Buhay at pagkatao ko'y iyong pinasaya.
Salamat sa'yo aking kaibigan,
Dala mo lagi'y kuwentuhan at harutan.

Talambuhay

Ako ay si Francis Rodolf de Guzman. Ako ay isinilang noong ika-4 ng Abril, 1987 sa Malolos Bulacan. Ako ay kasalukuyang nakatira sa Sto. Nino Plaridel, Bulacan. Ang aking pangalan ay kinuha mula sa pangalan ng aking mga magulang na sina Francisca E.de Guzman at Rodolfo de Guzman. Pinalaki nila ako ng maayos, inalagaan at pinalaking may takot sa Diyos. Kung nasaan man ako ngayon ay iyon ay isang malaking utang na loob ko sa kanila. Ako ang bunso sa mga magkakapatid. Nag-aral ako ng elementarya sa Mababang Paaralan ng Plaridel at ako ay naghay-skul sa Liceo de Pulilan Colleges. Ako ngaun ay kasalukuyang nag-aarak ng kolehiyo sa Bulaan State University. Ang aking kursong aking kinukuha ay Computer Technology, ito ay isang "ladderized course", pwedeng ituloy ng 2 o apat na taon. Tinapos ko ito ng dalawang taon at pagkatapos ay ako ay nagtrabaho bilang "call center agent" sa Sutherland Global Services. Nakilala ko dito ang aking pangalawang pamilya at naging pangalawang tahanan sa loob ng mahigit daalwang taon.Nakilala ko dito ang aking mga bagong kaibigan na nagturo sa akin upang mas maging mabuting tao, tumayo sa sariling paa, gumawa ng sariling desisyon at mas maging mapagmahal sa kapwa. Dumataing ang oras upang sila ay aking pansamantalang iwan at muling ipagpatuloy aking pag-aaral. Masaya ako at hanggang ngayon ay di pa rin nila ako nakakalimutan. Sa kasalukuyan ako ay isang "third year  student at ipinagpatuloy ko aking pag-aaral sa BSU.